Skip to main content

Iboboto Mo Ba Si Jover Laurio Sa Senado Ngayong 2022?

Mayroong ngang update si Jover Laurio na gusto niyang baguhin ang sistema PERO sabi niya hawakan ang galit hanggang 2022. Bakit hanggang 2022? Baka ang ibig sabihin ni Jover ng system change ay palit tao lamang ang hindi baguhin ang sistema. May biro ako noonn na baka may balak ang Liberal Party na gagawing kandidato sa senado si Jover. Ngayon, ang mas malaking plano niya ay matapos siyang matapos sa paaralan ng law ay guston niyang magiging senador? Baka, baka hindi.

Eto lang ang naisip ko. Mayroon ngang usapan noon na baka tatakbo si Agot Isidro bilang senadora. Ngayon, may usapan na baka may balak si Coconuts Martin na tatakbo bilang senador upang makabawi. Ang malaking tanong ngayon ay pwede kaya si Jover na may endorsement sa sponsor niyang si Bise Presidente Maria Leonor "Leni Loud" Robredo na tatakbo sa senado ngayong 2022.

Eto lang masasabi ko. Malaking biro na talaga kung tatakbo si Jover sa Senado. Kung iisipin mas may kredibilidad pa ang #OtsoDiretso dahil mayroon naman silang kasanayan sa iba't ibang bahagi ng lipunan at ekonomiya. Kung iisipin dating solicitor general si Florin Hilbay. Si Bum Aquino ay malaking negosyante. Dating DTI secretary si Mar Roxas. Si Leni Loud ay dating kongresista at abogada. Pero ano si Jover? Isa lang siyang troll na hindi pa nalaman kung paano tatakbo ng opisina. Hindi lahat pwede tatakbo sa politiko.

Eto ang dapat isipin ng Liberal Party kung sakaling gusto nilang tatakbo si Jover sa senado. Isang malaking biro yan. Si Jover puro lang pagmumura. Ewan ko kung may solusyon siya. Puro nalang palit tao pero WALANG PALIT SISTEMA. Sabagay, tingnan natin kung mananalo ba si Jover kung siya'y tatakbo sa senado.

Comments